imageimageimageimageimage
YOU ARE HERE Home

Dolores, Quezon, Philippines

PADYAK PARA SA KALIKASAN

PDFPrintE-mail

Last Updated on Sunday, 14 August 2011 11:19 Written by Randy M. Matibag Sunday, 14 August 2011 11:16

251218_10150655447845627_841355626_19257783_7291766_nAng Dolores Mountain Bikers (DMB) ay magsasagawa ng isang "Fun Ride" sa darating na Setyembre 10, 2011. Ito may temang "Hindi ang Pangkalusugan pang Kalikasan pa". Inaanyayahan po namin kayong lahat na may bisikleta (all mountain) na makiisa sa nasabing fun ride. Magdala lang po ng isang daang piso para sa registration, kasama na po dito ang pagkain. Magsisimula po ang registration sa ganap na ala-6 ng umaga sa Munisipyo ng Dolores. Ang pondo po na malilikom sa nasabing gawain ay gagamitinĀ  ng DMBĀ  para sa mga pangkalikasang gawain. Inaasahan po namin ang inyong pagdalo! Halina at pangalagaan ang ating katawan at isama na din natin ang kalikasan!

 

Sama-samang Paglilinis ng Ilog

PDFPrintE-mail

Last Updated on Thursday, 04 August 2011 16:08 Written by Randy M. Matibag Tuesday, 19 July 2011 02:14

dsc04034

Muli na namang ipinakita ng mamamayan ng Dolores ang pagmamahal nito sa kalikasan sa pamamagitan ng sama-samang paglilinis ng ilog Lagnas na isa sa ipinagmamalaki ng bayan ng Dolores noong nakaraang ika-14 ng Hulyo 2011. Ang proyektong ito ay pinangunahan ng opisina ng MENRO sa pakikipagtulungan ng opisina ng MSWDO. Mahigit-kumulang 100 katao ang sama-samang naglinis at namulot ng mga plastics, diaper, sando bags, mga damit at iba pang uri ng hindi nabubulok na basura na nasa ilog. Mahigit kumulang 40 sako ng hindi nabubulok na basura ang nakolekta ng mga nakilahok sa nasasakupan ng barangay Maligaya at Silanganan na kung saan ay sadyang puntahan ng mga taong naglalaba at nagpipiknik. Ang mga nakilahok sa naturang proyekto ay nagmula sa Kalipunan ng Liping Pilipina (KALIPI), Kapulisan ng Bayan ng Dolores, LGU Dolores, Sangguniang Barangay ng Maligaya at Silanganan.

Sadya nga pong maipagmamalaki ng bayan ng Dolores ang Ilog Lagnas sa malinis nitong tubig na napapakinabangan ng bawat mamamayan ng Dolores. Mahalin po natin ito at huwag nating abusuhin, sapagkat pag ito ay nawala na mahihirapan na tayo upang ito ay muling maibalik pa tulad ng mga nasirang ilog sa ating mga kalapit probinsya. Palagi nating tatandaan na ang lahat na ikinakalat nating basura sa kalye at sa estero ay siguradong sa ilog pupunta. Panatilihing malinis ang bayan ng Dolores! Kaya po natin ito!

   

Page 1 of 7

What do you like best in Dolores, Quezon?